Ano Ang Mga Iba’t Ibang Mga Uri Ng Komunikasyon
URI NG KOMUNIKASYON – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin ngayon ang mga iba’t ibang mga uri ng komunikasyon.
URI NG KOMUNIKASYON
Berbal na Komunikasyon – ito ay gumagamit ng makabuluhang tunog at sa pamamagitan ng pagsalita. Ito rin ay tumutukoy sa pagpaparating ng mensahe o ideya sa pamamagitan ng salitang nagpapakita ng mga kaisipan
Denotatibo
Tumutukoy sa pangunahing kahulugan ng isang salita
Konotatibo
Ito naman ay maaring magtataglay ng pahiwatig ng emosyon o pansaloobin
Ito rin ay ang proseso ng pagpapahiwatid ng karagdagan o kahulugang literal
Mga Paraan ng Pagpapakahulugan ng mga Simbolong Verbal
Referent – mga bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita, tiyak na aksyon, katangian ng mga aksyon at ugnayan ng bagay sa ibang bagay
Komong Referens – tumutukoy sa parehong kahulugang ibinigay ng mga tao.
Kontekstong Berbal – ang kahulugan ng isang salita na matutukoy ayon sa kaugnayan nito sa ibang salita
Paralanguage – magbigay ng kahulugang kaonotatibo
Di-Berbal na Komunikasyon – tumutukoy sa pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng kilosng katawan at ang tinig na iniaangkop na sa mensahe.
Kinesics – tumutukoy sa kilos at galaw ng katawan sapagkat may ibinibigay na kahulugan ito.
Expresyon ng Mukha – nagpapakita ng emosyon
Galaw ng Mata – nagpapakita ng katapatan ng isang tao
Kumpas – tumutukoy sa galaw ng kamay, maari itong regulatibo, deskriptibo o empatiko
Tindig o Postura – ito ay nagpapakita kung anong klaseng taong ito na nag-uusap sa iyo
Proksemika – tumutukoy sa komunikasyon gamit ang distansya
Intimate – hanggang sa 1 – 1/2 ft.
Publiko – 12 ft. o higit pa
Sosyal – 4 -12 ft.
Personal 1 1/2 – 4 ft.
Kronemika – tumutukoy sa oras
Teknikal – ang oras na ginagamit para sa laboratoryo
Pormal – kung paano binibigyan ang kahulugang kultura at paano itinuturo
Impormal – ito naman ay medyo maluwag dahil hindi eksakto
Sikolohikal – ang kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan
Haptiks – ang pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon. Nagpapahiwatig ito ng positibong emosyon.
Katahimikan – nagbibigay ng oras na mag-isip ang tagapagsalita
Kapaligiran – ang lugar na gagamitin sa anumang pulong
Simbolo – ang mga makikita sa paligid na nagsasaad ng mensahe
Kulay – nagpapahiwatig ng emosyon
Bagay – ang paggamit ng bagay sa pakikipagtalastasan